Wednesday, December 28, 2011

Christmas eve

Every year, We all wait for christmas right? who doesn't? Well, here's how I celebrated my christmas night with my family.
Masama pakiramdam ko nun but nothing can stop me for enjoying Jesus Christ's birthday. Konti lang handa namen kase di talaga kame nag hahanda ng bongga pag christmas twing new year lang:)) Hmm, natulog muna kameng mga bata para may energy kame ng 12 ng gabe. Pero ako, si Jay, my younger brother, and my cousin chai ay di makatulog so tinulungan nalang namen si mama sa barbeque.
Jesus Christ's birthday? Here's what we do yearly. We actually sing a Happy birthday pag saktong 12 na then blow the candle light:))
Then, kainan time!
Opening of gifts. Exchange gifts as well:)
while Jojo was just simply at his room and sleeping kase kakalabas lang nya sa hospital. After this, naglaro lang ng tea party muna sandali mga kapatid and pinsan ko tas ligpit ng kalat then Tulog na ulet:))

Merry Christmas 2011

Tuesday, December 27, 2011

Bea @ 18

It was right after the test when Bea started to celebrate her 18th birthday. Late kame nakarating nila sai at mik kase waley pa kameng gift sakanya. So ayun, ginabe kame as always:)) The party was good. I enjoyed kase kasama ko nanaman friends ko although maraming wala. Masarap din yung foods!
After the party, we had to go home kase late na. Never expecting, nakasara na yung gate sa subdivision and there were only two choice left, either lalakarin namen hanggang sa kabilang gate or akyat bahay gang kame. We were so CrazyLazy little kids that we chose the second one. Hahaha
THAT'S HOW WE DO IT! \m/

Monday, December 19, 2011

BreakFree

  • Normal life. Stress free. Oyes! Christmas break! What to expect? Hmm, definitely No plans for now. Just go with the flow and enjoy this days na walang Finac:) 
  •  Simbang Gabe. I thought I could complete the 10 days however di ko nagawa. Last night, di ako nakapag simba kase birthday ng friend ko. Never ko pa nakompleto to!
  • 1st day of christmas break: 
with my cousin, Alexis
 Dito nag bakasyon yung 2 kong pinsan with their mother. So ayun, ang gulo sa bahay ngayon at umingay lalo! Pero masaya naman:)
  • Just expect the unexpected yow! Let's all be happy coz birthday na nyan ni Jesus Christ and my friend dam:)))))

Silver nails for christmas

While I was reviewing Finac, naisip kong maglinis ng nails and change the color from glow in the dark to Silver color. Something new. This is my first time to use silver and I kinda like it;) According to Mik, uso daw ngayon yung metallic colors so ayun tinry ko.

Vision Night '11

This happened on December 11, after family day. I wasn't able to post this at that time. Hm, so here's the story, 4:30pm mag start pero nung karating namen dun nila Mik at Abby, my lifegroup, sobrang dameng tao na. Solid. Estimated people: More than 3000! Goooosh! Pero madame pa din dumarating nun.
6:00pm talaga mag start yung vision night pero habang di pa nag start, kumain na muna kame ng Chowking. May food stub kase. Sobrang dame din pinamigay na prizes! Umaapaw sa dame. More than 20 Celllphone na nokia, Bigas, Appliances, Noche buena, 32 inches flat Panasonic tv, 3 blackberry, and Ipad, etc.! Basta madame pa. Ang bongga! :))
Lifegroup leader namen yung kakaiba dyan:)
Nakakabless yung night na yun kase in the middle of worshipping God biglang umulan pero di naman yung todong malakas pero kahit na ganun, tuloy tuloy padin! Mas lalo ngang nag praise nun mga tao tas biglang tumigil na parang di man umulan. Blessing yung ulan na yun! We can feel it! :))) We had the chance to have this limited ballers. For only those lifegroup leaders and Yes! we are lifegroup leaders in God's grace.
with Pastor Ru
Here's our mapoging, single na youth pastor na si Ru dela Torre:) He's one of the host nung night ding yun. Nakakatawa sila ng mga iba din yang co-host;) Swear.
***

Thursday, December 15, 2011

Libot then Perfect loaf

After 1st gig, nag stay kame ni Mik with Lorenzo and Kenneth muna sa Hislife. We bought 2 tacos and tig iisang ice candy na buko pandan:) After this. Mga 6 nkame umalis. Part ways and kame nalang ni Mik. Nag Mcdo kame para mag CR tas lumabas din kame. Hahaha! that's how we spend our time at Mcdo pag walang pera. Pasok tas Labas. Ayaw pa namen umuwi kaya nagyaya muna ako sa baratillo kase gusto ko sanang bumili ng DVDs so ayun. Pero wala yung hinahanap ko. Nag Jenra mall kame. Naglibot kame. Tas pumunta ng nepo mart pero nagyaya akong kumain kase gutom nako talaga. Checked my wallet kung may pera kaya pala mapera ako nun. Nung next sat ko lang naalala na nagastos ko pala yung pinatago saken na pera ng kaLG ko. Hahaha! so ayun, back to the story, nag dadalawang isip kame ni Mik kung perfect loaf or Bihon chuva. Mag katabi lang sila. Pero tinry namen sa Perfect loaf. It was our first time. Tagal namen iniisip kung anong oorderin namen. Pero nag Macaroni si Mik and Lasagna ako.
Lasagna with bread. di lang nasale yung bread:))
check out her background! haha
Next time, we're planning dun sa Bihon chuva naman. Yung katabi neto:) I don't like their lasagna. Sanang toll house nalang. Mas madame pa tyka masarap. Kase would you think na 80 pesos na to tas sobrang lambot ng lasagna noodles nila tas wala man masyadong beef dahil siguro sa side last nalang to. Di naman sa sinisiraan, critic lang:)) Nevertheless, i enjoyed this day.

Family Day

It was Sunday. I invited Mik para may kasama ako sa Family day ng Auf-Is. Kase after din nun mag Vision night kame. During family day it is already their tradition na may Food contest and lageng sumasali dun yung mother ko:)) Ngayon pang 3rd sya sa Dessert.
Food entries
Lumilibot kame ni Mik sa ibang classroom kase per room may mga foods. Wala na kameng hiya. Basta Sugod Pagkain Gang kame nun. Hahaha! Yung isa nameng pinuntahan may lechon pa! Wooo.
Lunch Time
Ocge ikaw na Mik! :))
No pictures of my brother and my sister eating. Dinelete ni Jen yung mga pictures. Tsk. Here's the assigned project to my brother. Kase naghati hati sila ng mga classmates nya sa classroom decorating. Pang 2nd daw sila. Nagdala lang daw yung board nila na sya lang gumawa at nag provide ng materials.
Santa Clause na nka hug. Dna lng nkita yung mga paa nya:)
Ayan. Parang kapatid ko na din si Mik:)

Friday, December 9, 2011

Cracklings made us Happy

TGIF! One subject lang pinasukan namen and that was Finac. Dapat wala akong balak pumasok kaso kailngan ko pang kunin yung filler na pagkokopyahan ko kaya ayun. No choice. Haha 

Uwian na. Pero dahil TGIF. Nagyaya akong umalis pero nag suggest sila sa Sm Pampanga, my gosh! Wala akong pera. Saktong 100 pesos nalang. Tas ako lang yung taga Angeles sa mga kasama ko. Umuulan kanina and grabe napasukan ng tubig yung sapatos ko. Ayoko pamo ng ganun. Naiirita ako. Kaya karating namen sa SMP, diretso sa Baggage counter para sa gamet nung kaibigan namen tas C.R para mapunasan ko na sapatos ko. Nag hanap kame ng pagkakainan namen and around 2pm nakapag decide kameng sa Deniss and the Grill Gang
While waiting for our orders. Nakiki Sasa pa yung bag ko oh! Haha

Sorry Cess:)))))) Pero eto lang kase yung pic na may pagkaen. (Our order)
Ayan ang Buko Pandan nila! :)
Super ganda ng service dito and feeling namen ang special namen kase kame lang yung di pumila sa counter kase yung isang lalake na parang manager dun, sya na yung kumuha ng orders namen and ang bait nya:) Tas nung nag order kame ulit dna nanaman kame pumila. Saya:)) Tas nakakatawa din yung mga waiter dun or whatever na tawag sa mga kuya dun. In short, Maganda service nila! after this nag Karaoke Hub kame:)) Tumagal din kame dun ng 1hour and 30 minutes. 


Kalabas namen dito may nangyare kaya sobrang tawa namen at ginawa nameng word of the day ang Cracklings and that would be our pretty little secret:P Hahaha! Naglibot pakame then umuwi na kase madilim na. That's for today:) Ciao!

Sunday, December 4, 2011

Cornetto given by my brother

Whoooo! I need to blog this. Yan ang sabe ko nung binigayan ako ng cornetto ni Jo, my brother. Kase di man kame close. Malagad lang. As in Twice a month? Ganon. Hahaha! Kase mainitin yung ulo nya and dahil mapang buysit ako kaya parang kumukulo lage dugo nya saken:)))))

Sorry madilim. Patago ko lang pinicturan e:)))) Camera Shy kase sya.
Ganto talaga yan. Bumili sya ng 2 Cornetto tig isa sila nung kapatid kong bunso na may lagnat. E bawal pala sya kaya hiningi ko nalang:)))) Nung una ayaw nya pang bigay! Pinapabayad nya pa rugo pero sabe ko wala talaga akong pera at buti naman naawa sya kaya aun binigay nya. Hahahaha!

Ganyan face ko pag maitim ako! Hahaha. Nagmana sa kulay ng Chocolate Cornetto.
Ganda ng Comercial neto. Chena! yung K-I-S-S-I-N-G. Nkaka LSS lang naman kahit walang kwenta. hahahaha!
 
Hey DayDreamer!

Saturday, December 3, 2011

AfterGig

  •  Di kame kumpleto ng lifegroup ko dito. Bumili kame ng Vision Night ticket kay ate Au, our LG leader. I miss them :)
  • Bumili kame ng matagal ng pangarap ni Mik na ice candy na worth 12 pesos. Buko pandan flavor. Super sarap naman kaya sulit;) Malinamnam pa. Try mo?!
  •  Napapa C.R nakame ni Mik kaya nag Mcdonalds kame tyaka nadin kame nagpalamig. Di man kame nag order. Hahaha! Ganyan ang magaling;)
  •  Lastly, Umuwi nakame. BBYE!

It's Love offering time!

I was able to stood there once again. Last time, nag welcome ako but this time nag Love offering nako. I wasn't expecting this. Biglaan lang. One day before lang kame nainform. Nung nalaman ko na mag L.O ako, syempre nagulat dahil kinabukasan na nga and parang di ako ready. So I have few time to prepare pero nagdadalawang isip pako kung gusto ko ba talaga or kaya ko ba till I prayed to God. I talked to Him and marame akong tanong. If kaya ko nga ba. Kase iba yung welcome sa L.O e. But I realized na in that way I can be able to show Him na ganon ko sya Love coz I know in myself na di ko kaya yun but with His grace makakaya ko. Kase I already stood there and Nakaya ko. With his deliverance! He's my strength.
1st Gig kame and more than 500 ang estimated na youth nun. Kinakabahan ako ng konti pero nung tinawag na yung name ko. Pumanik nako ng stage and center myself in front of many youths. Parang nawala yung kaba ko when I started speaking. By grace, I was able to talked and prayed there for almost 3 minutes. Gosh! Di ko expected na ganun katagal. Masyadong napatagal:))))) Tas vinideo kase ni Mik yun, kaya pala tumatawa mga tao nun kase ang dameng ANO na words na nasasabi ko. Hahaha! Mannerism lang:) Pero okay lang. Saya lang:D kase naki cooperate mga tao nung nag tanong ako. Kala ko walang papansin saken. Haha. So yun! I love you Lord! thank you for this wonderful day;)

"I can do all things through Christ who gives me strength" Philippians 4:13

Friday, December 2, 2011

Mission Impossible, movie marathon


Finally. After a long time. Gusto ko kaseng mapanuod nyan sa December yung Mission Impossible 4 starring Tom Cruise. Wag nyong pansinin yung May dito sa picture:)))))) Hm, Ayun. Nag movie marathon lang naman ako kanina ng Misssion Impossible 1,2 and 3. Sunod sunod. E gusto ko to e. Haha. Pogi ni Tom Cruise talaga! I love watching action movies tulad neto tas Die Hard. Yung mga ganun klase. Tas dapat magaling din yung Bida para nadadala. Gusto ko sina Bruce Willis, Van Diesel, Jackie Chan at etc. dko na kilala yung iba pag ganyang movies. Going back to M.I, hmm. Maganda sya! syempre. Ocge yun lang. Gusto ko lang ichika na gwapo talaga si Tom Cruise lalo na pag naka Smile :) HAHAHA. Ciao!

BusFin Educational tour

We had an educational tour on our Business Finance subject dated yesterday, December 1. It cost 850 pesos. Our destination was at Philippines Stock Exchange and Bangko Sentral ng Pilipinas. It was quite disappointing because it's not worth the Price but we at least enjoyed. Swear! Here's the story:

I woke up exactly 3:00 a.m kase nag alarm ako and this time buti nalang nagising ako kase last time na late ako. Pero gaya din ng date may part na hindi talaga ako makatulog. Naligo then prepared my things. 4:20 ako umalis ng bahay. Bumili ako sa kanto ng water dahil nagpabili pa si Mr. President tas sakay ng Jeep papuntang Mcdo(meeting place).

Mcdonalds, Angeles
Nakasakay nakame ng bus. Dateng lugar!

We were 5 sections na nag tour. 5:30 am daw aalis ang bus pero umabot kame ng 6am. Dun palang kame nakaalis. Ang tagala ng byahe. May 1st stop over. Tas roadtrip ulet. Naglaro nalang kame ng kahit ano. Pinoy Henyo tas dko na alam kung anong tawag sa iba nameng nilaro. Natutulog yung iba nameng classmate while kameng asa likod Alive na Alive pa:)))
Playing games
Parusa! Ayan Ako nalang talo!
Around 10a.m nakame nakarating sa Philippines Stock Exchange. Antagal! Grabe. Traffic kase e. Tas Worst, 30 minutes lang kame nag stay dun. May nag discuss lang na isang babae kung pano yung investments. Wala daw yung isang speaker kaya umalis nakame. Dman kame nag tour sa luob and sa Fire exit lang kame dumaan. No Picture takings are allowed even at outside for security purposes.
After that, may dalawang choice daw kung san mag lulunch kung sa greenhills ba o Tiendesitas. Kung greenhills, traffic kaya Tiendesitas nalang. Di pa ko nakapunta dito. Maganda sya. It's like a market place na may iba't ibang foods, furnitures, clothes and accessories, etc.

Sorry for the face:)) Maganda kase lighting sa likod.
We ate lunch at Bonanno's Budbud. Sobrang dameng pagpipilian pero dahil dito na bumili mga kasama namen, dito nadin kame bumili. Haha. Masarap naman.

 
After namen kumain nag libot kame sa mga stores and nakabili ako ng pasalubong sa pamilya ko ng Tarts:))))
Sakto pala biglang umulan nun Pero nung papunta nakame ng Bangko Sentral ng Pilipinas wala ng ulan. Buti naman:) Ang traffic sa byahe. Solid. Hmm, No Picture takings are allowed even at outside for security purposes. Nanuod lang kami ng short film kung pano ginagawa yung money and nag libot sa museum kung san pinakita yung revolution ng pera. Andun din yung 100,000 pesos na buo. Ang lake! haha:)) Di daw nilabas yun.
After this, pumunta kameng SM MOA. Around 4 p.m na yun. Nilibot namen yun with Aliessy and Jan ng mabilis. Humiwalay kame sa mga kasama namen kase mabagal kung sama sama. E gusto namen madame kameng mapuntahan. Kaya ayun. Haha


May nakita kameng Zipline tas gusto sana namen kaso kung di lang kame nakapalda. Sayang. Next time nalang;) Libot libot lang kame. 

Ice skating range
Eto ready to go nakame din dito. Super excited na dapat kame kase ako namimiss kuna mag ice skate. Dapat mag avail kame ng tickets kahit 1 hour lang kaso wala daw. AWWWWW:( Nung una pamo nag dadalawang isip kame kase limited lang time tyka sayang pero nung Okay na, wala din pala. Next time nalang din ulet;) Dameng babalikan. Hahaha

E mag cchristmas na!
We looked na pedeng kainan kase mag bblog ako. Tas nakita namen to. Gusto namen yung wala dito sa Angeles. Kaya ayun, tyaka gusto namen ng ice cream. Nung una dumaan kame para masilip tas nung secong time dun na kame pumasok. Kinakabahan kame kase parang once you enter there, there's no turning back. Hahaha! Galing ng strategy nila e. Agad kameng sinerve ng water para talaga dun nakame. Nung nakita ko yung menu. Nashock ako dahil wala naman talaga akong dalang pera. Pero try something new;) Kaya ayun. Nakalimutan ko na yung name ng order ko:D
our orders
Tapos  neto, oras na pero parang naligaw kame ng 20 seconds pero nakabalik din kame sa meeting place. Dulo pamo tong napuntahan namen. Anlayo!

While waiting for our bus
Goodnight
Mga 10 p.m nakame nakauwi dahil traffic. Ayun, I had fun naman and kapagod tong araw na to! Kaya knock out din kadating sa bahay. CIAO!
back to top