Saturday, February 25, 2012

BaguioTrip

February19 when Ms. Lolit, our Avon manager celebrated her birthday. Hmm, basta makabenta ka ng 8 na lotions pwede ka ng sumama sa Baguio;) So ayun, one month before nung sinabe to agad nakong nagtinda kase gusto kong sumama, Sayang opportunity:)) Hm, 1:30 am dapat sa meeting place malapit sa 711 katabe ng nepo. Yung open space dun. Dun! haha. tas 2 bus kame lahat pero nung nag tour na magkahiway kame. Mga 2am dumating yung mga bus. Kasama ko pala dito si Viancs, my classmate:)
1st stop was at Manaog Church sa Pangasinan. Sunday to kaya ayun nag simba muna kame. hmm, nilkad namen simula dun sa tulay kase ginagawa so di pwede yung bus. Malapit nalang rin naman nun kaya okay lang tyka parang exercise naden:) Solid lameg sa bus! Grabe.
 
2nd stop was at Strawberry farm. 1st time ko lang dito. Ansaya anlake ng STRAWBEEEEERRY sa likod ko oh;P hahaha.  May mga lettuce din dito. Diba, isa ang baguio sa mga kilalang supply naten sa market ng veggies? Yeah.
  
 
3rd stop was at The Mansion. Pumunta din kame dun sa harap neto.Yung wright park:) Ayto may strawberry taho. Masarap naman sya. Syempre di pwedeng di namen tikman to dahil wala naman ganto sa Angeles city. Bumili din pala ako ng ibang souvenir items like damet and etc. dun.
4th stop was at Minesview park. Dito kame nag lunch ni viancs. Yung una namen na pinasukan na pagkainan dun nadin kame nag order. For 90pesos yung lunch namen. Andameng gulay. Nakakabusog naman. Sobrang hangin dun sa lugar na yun kaya ang lameg:") Katapos namen nag lunch oumunta nakame sa mismong park. Market place din sya. Solid! Anlake nung DOG! parang bear amo tas mga apat nga sila e. Pinagkakitaan. Per picture sakanila may bayad. Naaawa ako kase yung isa ang pula na ng eyes feeling ko dahil sa mga flash ng camera:( Pooor dogs. I love dogs! ;) Syempre di papahuli ang mga kabayo!! Ayan nag papicture ako for only 10 pesos:))) Anlameg dito. Ang lakas kase ng hangin e.
Pumunta rin ako syempre sa Good Shepherd. Kase naman si mother ang dameng pinapabili. Tyka dito kase yung pinaka masarap ng ube, etc. Kilala to dahil dun:) For every one product na bilhin mo dito makakatulong ka sa education ng mga bata ata.

Last stop was at Burnham Park. Dahil Panagbenga na nyan. Madameng flower entries ang nandun. Gaganda ng designs;) Nag boat din kame tutal andun narin lang kame. Super Saya:) nung pauwi nakame may nakita akong nag titinda ng gulay sa tabe ng bus namen tas nag tanong ako tas ang mura kaya ayun napasubo ako! Ang dame kong binili. Ang bigat ng dala ko! Sweaaaaar! Di ko keri. Nung pauwi nakame di ako masyadong makatulog pero nakakaiglip ako. Sobrang bilis kase mag patakbo nung driver. Bago tarlac, nabangga yung bus! WASAK! BOOOOGSSSHHH! Basag ang salamen sa harapa. Thank God walang nasaktan pati yung driver nakailag:) Tas mga 9 pm na yun. Naghintay pa kame ng hangang 10-11pm. Mga 1 nako nakauwi:) Kapagod. May pasok pa bukas.

You can see my photos on my facebook and videos on my youtube account : )

0 comments:

Post a Comment

back to top