Saturday, April 7, 2012

Good Friday

Morning when we celebrated my brother's birthday. We just prepared Carbonara and Mango float. Instead of cake mas gusto nya kase yung Mango float kaya yun ang ginawa namen. Di kame naghanda ng marame kase pupunta kame ng Cutud kung san yung may mga nagpapapako and pinuntahan nadin namen yung kamag anak namen malapit dun kase fiesta din kase.
Nung asa Palengke na kame sobrang dame ng tao. You'll see them asa gilid ng daan nakaupo and may mga nakatayo din. Parang may inaabangan sila. I saw a bus na may mga nakasakay na mga tourist. Papunta din sila dun sa Papako. Pumunta muna kame kari tita Myrna, nakikain lang kame then pumunta na kame sa kakambal nya na si tita Rosa. Mga 25 steps siguro ang layo ng bahay. Nakikain kame ulit dun at dun kame nag stay muna. After mga ilan minutes nung nagpahinga na kame nagdadalawang isip yung mga kasama ko kung pupunta pa sila kase daw sobrang init dun. Pero sabe ko minsan lang naman tyaka andun narin naman kame eh. Kaya ayun pumunta kame kasama ko si mama, tita Pet ko, tatlo kong kapatid and yung pinsan namen na taga dun para may tour guide kame:)) Nung nakapunta nakame dun sa daan kung saan dumadaan yung mga papako and namamalaspas. Nakipag sabayan kame sa sobrang dameng tao. Sobrang inet! Solid. Along the way may mga pabalik na mga namamalaspas. Tapos na sila. Pag pala pumupunta ka dun di pwedeng di ka matatalsikan ng dugo. Kaya halos car, damet and kung ano anong gamet ay may talsik tyaka mas maganda daw kung naka white kang damet.
As in katabe ko lang yung mga yan. Malansa yung mga dugo nila. Okay, tuloy padin ang paglakad sa mainit na araw. Nag shortcut kame and nung nakarating na kame sa bukid kung san ginaganap yung pagpako. Ay grabe naman ang inet. Sumisingaw ang inet! Pinakamainit na panahon dito sa Angeles x 10!!
 You'll see the sky here color blue pero pag doon color bright yellow! Haha. Sobrang dameng tao. Taong may Dslr, taong amercano, taong pilipino, taong nagtitinda, taong taga media, taong nagpapapako, taong nakasakay sa kabayo, taong taga pako at marami pang iba. May gate pass sa luob kaya di kame makakapasok. Ang dameng reporters and media from different networks and parang yung setup talaga parang may nag shoo-shooting.
Nung nakapag picture nako di nakame nag stay. Duh?! Ang inet kaya. try mo? So then umuwi nakame ulit dun sa bahay ng tita ko. And along the way, may mga namamalaspas pa kame na nakasalubong. Natalsikan kame. Nag pahinga kame muna ng ilang oras tas umalis nakame dun pero dumaan muna kame kung san lumaki yung nanay ko. Pinakita nya yung date nilang bahay sa Aurea and nagstay muna kame ng konti sa kaibigan nya date. Nung nasa Angeles nakame sakto may prusisyon kaya nag picture ako habang bumibili sila mama ng Dvd and fruits.
Sakto umulan nung last shot ko kaya agad na kameng umuwi. Filipinos continued they're walked despite of the rain. Faith from what they believe is talagang nakakabilib. Here is one of the traditions done at Philippines.

0 comments:

Post a Comment

back to top